SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

3.4 million pounds na fried rice, ni-recall dahil posibleng may bubog ng salamin

AJINOMOTO Foods, nagbabala sa mga mamimili matapos may natagpuang bubog ng salamin sa produkto.
AJINOMOTO Foods, nagbabala sa mga mamimili matapos may natagpuang bubog ng salamin sa produkto.Composite photo, courtesy of USDA8 and Harrison Keely via Wikipedia Commons.
Published on

Nag-recall ng halos 3.4 milyon pounds ng frozen chicken fried rice ang Ajinomoto Foods North America, Inc., na binebenta sa Trader Joe’s sa U.S. at sa Canada, dahil sa posibleng kontaminasyon ng bubog ng salamin, ayon sa U.S. Department of Agriculture noong 19 February.

Ayon sa kompanya, apat na mamimili ang nag-report ng natagpuang glass sa fried rice. Wala pang naiulat na injuries kaugnay ng produkto.

Dalawang produkto ang apektado:

  • Ang Ajinomoto Yakitori Chicken with Japanese-Style Fried Rice, na binebenta sa Canada lamang, sa 1.53-kg cardboard packages na may anim na bag. Ang Best Before dates ay mula 9 September 2026 hanggang 12 November 2026.

  • Ang Trader Joe’s Chicken Fried Rice, na binebenta sa mga tindahan sa U.S., ay naglalaman ng stir-fried rice, gulay, seasoned dark chicken meat, at itlog, nakabalot sa 20-ounce plastic bag, na may Best By dates mula 9 September 2026 hanggang 17 November 2026.

Parehong may establishment number P-18356 sa USDA mark ang mga produkto.

Pinayuhan ng USDA Food Safety and Inspection Service ang mga mamimili at retailers na suriin ang kanilang freezers. Kung may hawak ng mga apektadong produkto, dapat itong isauli sa tindahan o itapon.

Kung may alinlangan sa posibleng injury, dapat kumonsulta sa health professional.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph