

Bilib na bilib si Barbie Imperial kay Annabelle Rama na ina ng kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez.
Kilalang palaban at mataray si Annabelle kaya naman ang fear ng marami para kay Barbie ay kung paano niya ito makakasundo.
Sa interview ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito, aminado si Barbie Imperial na noong una ay matindi ang takot niya kay Annabelle Rama.
Pero kalaunan ay nawala ang takot ni Barbie.
"Honestly sobrang sweet po ni Tita Annabelle sa akin. Maalaga. 'Pag everytime may gatherings, pinagtatabi niya ako ng mga ulam," chika ni Barbie.
"Actually po 'yun ang pinaka-unang concern... Medyo natakot po ako. Pero parang kung sino po yung maldita sa impression ng mga tao, siya pa 'yung sobrang pinaka-warm sa lahat ng mom ng mga naging boyfriend ko po," pag-amin ng dalaga.
"Syempre natatakot pa rin po ako sa kanya, pero si Tita palagi niya ako inaalala kung kumain na ako,' dagdag pa ni Barbie.
Sa huli ay very thankful si Barbie sa ipinakitang kabaitan sa kanya ni Annabelle.
"Nagpapasalamat po ako at grateful talaga... Nu'ng una parang takot na takot ako tapos wow, ang bait niya! Mabait siya. Feeling ko kapag hindi ka niya gusto o may nagawa ka sa mga anak niya, katulad ng ibang mga magulang poprotektahan ang mga anak nila."