Skip to content
DYARYO TIRADA

Ex-Batanes governor wagi sa pagka-kongresista

Ex-Batanes governor wagi sa pagka-kongresista

COMELEC

Text size

Ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) si dating Batanes Governor Marilou Cayco bilang bagong kinatawan ng nag-iisang distrito lehislatibo ng Batanes matapos makakuha ng pinakamataas na bilang ng boto sa isinagawang special election nitong Sabado, 28 Nobyembre.

Pormal na ipinroklama ng Provincial Board of Canvassers si Cayco sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall sa Basco, Batanes.

Tumakbo si Cayco sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at tinalo ang tatlo pang kandidato na sina Luis Andres Abad, John Gato, at Edward Ike de Sagon.

Also read Thunder sumalto sa Bucks

Isinagawa ang special election upang punan ang nabakanteng puwesto sa Kamara de Representantes kasunod ng pagpanaw ni Batanes Rep. Ciriaco “Jun” Gato Jr. noong 21 Setyembre.

Tatapusin ni Cayco ang natitirang termino ni Gato hanggang 2028.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.