Skip to content
DYARYO TIRADA

6 Pinoy kasali sa B.League All-Star

6 Pinoy kasali sa B.League All-Star

B.League

Text size

Anim na Filipino ang napiling makalaro sa Asia All-Stars team para sa Japan B.League All-Star Weekend sa darating na Enero 2027.

Kabilang sa mga ito sina Levanga Hokkaido guard Dwight Ramos, Ibaraki Robots guard Ray Parks Jr., Gunma Crane Thunders center AJ Edu, Altiri Chiba center Kai Sotto, Toyama Grouses forward Thirdy Ravena, at Ryukyu Golden Kings guard Kiefer Ravena.

Pang-anim na sunod na seleksyon na ito para kina Ramos, Parks at Kiefer, habang ikaapat naman para kay Sotto at Thirdy. Ikatlong sunod na pagkakataon naman ito ni Edu.

Makakasama nila sa Asia All-Stars ang mga beteranong manlalaro na sina Sergio El Darwich, Song Kyo-chang at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

Samantala, mapapanood din si Francis Lopez sa dunk contest, kung saan sasabak siya sa ikalawang sunod na taon.

Gaganapin ang B.League All-Star Weekend mula 15 hanggang 17 Enero 2027 sa IG Arena sa Aichi-Nagoya, Japan.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.