
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Hindi lang pala mga eruplano ang bumabagsak. Ang mga tulay rin ay nahuhulog tulad ng nangyari sa Isabela kamakailan lamang. Ang bahagi ng arkong tulay ng Cabagan at Sta. Maria ay bumagsak nang daanan na napakabigat na trak noong gabi ng Pebrero 27.
Kabubukas pa lamang ng nasabing tulay 26 araw bago nasira ang isa sa 12 bahagi nito malapit sa dulong bahagi ng Cabagan. Isang dosenang arkong tulay na magkakadikit ang istraktura na sinimulan sa panahon ng administrasyong Aquino at itinuloy ng administrasyong Duterte hanggang sa matapos ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Iba-iba ang sinasabing dahilan kung bakit bumagsak ang porsyon ng tulay. Ayon sa pangulo, may pagkukulang ang nagdisenyo ng tulay.
Pinabulaanan naman ang paratang ng inhinyerong nagdisenyo nito at sinabing lagpas sa kayang pasanin na bigat ng tulay ang trak na dumaan rito. Maaari ring hindi nasunod ng nagtayo ng tulay ang tamang proseso ng paggawa nito. Malalaman kung sino ang may pananagutan pag matapos na ang imbestigasyon. At habang hindi pa batid kung sino ang may kasalanan, bagsak sa paningin ng taumbayan ang mga may kinalaman sa pagkasira ng tulay at hindi lamang ng nagmamaneho ng trak na hindi sinunod ang limitasyon sa bigat ng tulay.
Hindi lubos na kasalanan ng nagmamaneho, at ang nagpahintulot sa kanya na dumaan sa tulay, ang pagkasira ng tulay dahil hindi nasira ang ibang bahagi nito na dinaanan ng sobrang bigat na sasakyang may kargang bato.
Hindi rin lubos na kasalanan ng mga inhinyero ang sakuna dahil ang mismong nagdisenyo nito ay eksperto at maraming tulay na dinisenyo na hindi naman bumagsak, bukod sa siya pa ang may akda ng mga libro sa pagtatayo ng tulay at ang National Structural Code of the Philippines na siyang panuntunan sa pagtatayo ng mga istraktura.
Lalong hindi kasalanan ng gobyerno na umako sa proyekto dahil hindi naman sila ang mismong gumawa ng tulay.
Kailangan ngayong depensahan ng kontraktor ng proyekto ang sarili nito dahil sila ang nagtayo ng tulay at wala pa silang reaksyon ukol dito.
Sino kaya ang bagsak sa kanila? Antabayanan natin.