Operasyon ng ilegal na POGO, tatapusin ngayong taon — PAOCC



We’ve reached the point where we can’t fully trust wild and woolly social media when it comes to our children’s online…

Sinusuportahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang panukalang ipagbawal ang paggamit…

Child safety features on major social media platforms may not protect young users as effectively as advertised,…

DoH has tapped the Philippine National Police to crack down on retail stores and online merchants selling to minors.

PYEONGTAEK, South Korea (AFP) — Electric prods rest against the wall near rusty cages containing dog skulls in an…
Kumpiyansa ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na maaalis na ang lahat ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ngayong taon.
Paliwanag ni PAOCC Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz, nasa mahigit 1,000 POGO na lamang ang may operasyon ng small-scale matapos ang pagsasakatuparan ng total ban ng POGO sa bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Karamihan sa mga operator ng malalaking POGO hub ay nagnenegosyo na ngayon mula sa mga apartment, condominium, at maging sa kanilang mga kuwarto sa mga hotel o resort.
Matatandaang nailigtas ng PAOCC ang 34 na Indonesian sa isang POGO hub at inaresto ang isang babaeng Chinese na nagngangalang Liu Meng at iba pa sa Pasay City. Naglahad din ang mga Indonesian national sa awtoridad na sila ay pinilit na magtrabaho para sa isang “fraudulent operation.”