
Iniulat ng mga otoridad nitong Linggo na patay na ang sinasabing kasabwat ng gunman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid nang silbihan ito ng arrest warrant.
Ayon sa mga ulat, kinilala ang sinasabing kasabwat bilang si alias Orly at nangungupahan umano ito sa isang kuwarto kasama ang kaniyang pamilya sa Lipa City, Batangas, nang puntahan ito ng otoridad.
Sinabi ni Police Major General Jose Melencio Nartetz Jr. na tumangging sumuko ang suspek sa kalagitnaan ng raid kaya nagpaputok ang operatiba.
Dagdag pa niya, hinostage pa umano nito ang kaniyang live-in partner at kanyang anak pero sa huli ay pumunta raw sa banyo si Orly at binaril ang kaniyang sarili.
Ayon sa pulisya, si Orly ang kausap ng sumukong gunman na si Joel Escorial hinggil sa planong pagpatay kay Lapid at malaking tulong sana ang testimonya nito sa pag-usad ng kaso.