
(FILES) Bamban Mayor Alice L. Guo
Inihayag ng Philippine National Police na maaaring nasa bansa pa umano ang sinuspindeng mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo dahil ayon sa Bureau of Immigration ay wala pa umanong indikasyon na nakalabas na ng Pilipinas ang mayor.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, maging ang mga kasamahan nito na pinaghahanap din ay hindi pa rin nakakalabas sa bansa.
Una nang iniulat na may arrest order na si Guo mula sa Senado matapos nitong hindi daluhan ang mga pagdinig hinggil sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.