
Isang motorcycle rider ang nasawi matapos na magulungan at makaladkad pa umano ng isang dump truck sa Cubao, Quezon City.
Ayon sa mga ulat, dead on the spot ang biktima pasado 10 p.m. ng Biyernes.
Sinabi ni Mark Fer Oreo, traffic constable ng MMDA, na napansin niyang may trapiko sa northbound lane ng EDSA Cubao kahit gabi, hanggang sa makita niya ang nakaparadang truck at isang tao sa ilalim nito.
Pahirapan ang pagkuha sa biktima kaya gumamit pa ng fork lift ang MMDA upang maitaas ang unahang gulong ng truck.
Sinabi ng driver ng truck na nagmula siya sa Rizal at papunta sana ng Pasay para mag-deliver ng graba.
Pagkarating niya sa tunnel ng EDSA Cubao, dito na niya napansin ang biktima na nagpapalipat-lipat ng linya.
“Um-overtake po siya sa may gawi kong kaliwa, ang problema, may lubak, iniwasan niya, na-drag po ‘yung motor niya tapos sakto namang pagdating ko, hindi na kinaya ng preno,” sabi ng truck driver.