Isang driver ng trak at ang pahinante nito ang nasawi matapos silang maipit ng kanilang kargang bakal na dumausdos matapos nilang iwasan ang isang tumatawid sa Davao City.
Sa kuha ng mga CCTV footages, biglang tumigil ang truck kahit naka-’go’ ang traffic signal sa kanilang linya dahil may lalaking tumatawid sa kanilang harapan at lumitaw na galing sa jeepney ang lalaking tumawid.
Dahil sa biglang pagtigil, umusad papunta sa unahan ng truck ang karga nilang mga steel sheets na dahilan para maipit ang mga biktima.
Lumitaw din sa imbestigasyon ng mga otoridad na hindi nakatali nang maayos ang mga bakal.
Plano ng pamilya ng mga biktima na kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang lalaking tumawid, at ang driver ng jeepney driver kung saan galing ang lalaki.
Nasa kostudiya ng otoridad ang tumawid na walang pahayag.