13-anyos patay sa rabies

13-anyos patay sa rabies

Isang 13-anyos na babae ang nasawi dalawang buwan matapos umano itong makagat ng isang asong may rabies. Hindi umano sinabi ng bata na nakagat na siya kaya hindi na naagapan.

Ayon sa ina ng bata, nanghina na ang kaniyang anak nang dalhin nila sa ospital at bumula ang bibig at pagkaraan ng 12 oras matapos siyang madala sa ospital, binawian na ng buhay ang dalagita.

Batay sa death certificate ng biktima, rabies encephalitis ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

“Hindi ko tanggap, ang hirap kasi alam mo na hindi ine-expect na mawawala siya sa amin, biglaan,” sabi ng ina ng bata.

Kuwento ng ginang, dinala nila sa ospital ang anak nang lagnatin ito at nababalisa.

Napag-alaman na nitong nakaraang Pebrero nakagat ng aso ang dalagita sa Vitas Park in Tondo. Nang tanungin ng mga magulang kung bakit siya may sugat noon sa paa, sinabi ng biktima na sumabit lang siya sa alambre.

Bukod sa dalagita, napag-alaman mula sa barangay na may pitong iba pa na nakagat ang aso na nakakagat sa biktima.

Nahuli ng taga-barangay ang aso at dinala sa Vitas Veterinary Board. Namatay ito pagkaraan ng walong araw.

Ayon sa mga doktor, posibleng abutin ng araw, linggo, o  buwan bago lumabas ang sintomas ng rabies sa nakagat na tao. Kapag nakagat ng aso, dapat hugasan agad ang sugat at pumunta sa ospital.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph