
📸 Yummie Dingding
Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Biyernes na susundin nito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang itigl ang panghuhuli at pag-ticket at pag-iimpound ng mga -bike, e-trike, tricycle, maging pedicab na dadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Nitong Huwebes at inihayag ni Marcos na itigil muna ang panghuhuli ng ahensya sa mga nabanggit na uri ng sasakyan.
Sinabi ni MMDA acting chairperson Atty. Don Artes na iginagalang at naiintindihan nila ang naging desisyon ng Pangulo.
Sa loob naman ng isang buwang palugit ay paiigtingin ng MMDA ang pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa panukalang ipagbawal ang mga nasabing sasakyan sa mga major thoroughfare sa Metro Manila.
Nilinaw rin ng opisyal na bagamat hindi sila manghuhuli ay magpapatuloy naman sila sa paninita sa mga sasakyang ito na dadaan sa mga highway.
Layon ng hakbang na ito na ipaliwanag sa mga driver ang mga peligrong dala ng pagbaybay sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.