
Iniulat ng mga otoridad na isang lalaki ang inaresto nitong nakaraan matapos umanong patayin sa saksak ang kanyang isang-taong-gulang na anak na babae sa Tikalaan, Bukidnon at nagtangkang magpatiwakal pagkatapos.
Batay sa imbestigasyon, lumilitaw na matinding selos ng suspek sa kaniyang asawa ang ugat ng krimen, at nadamay ang bata.
Sinabi ng mga otoridad na bago ang krimen ay nag-away umano ang mag-asawa, na dahilan para umalis ng bahay ang misis at naiwan ang suspek at kanilang anak.
Hindi umano inakala ng ginang na idadamay ng suspek ang kanilang anak.
Naka-hospital arrest ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.
Sa ibang balita, isang menor de edad na rider at ang angkas niyang 17-anyos na babae ang nasawi matapos nilang sumalpo sa kasalubong na bus sa Argao, Cebu.
Batay sa ulat, nangyari ang insidente sa palikong bahagi ng highway sa Barangay Poblacion kaninang umaga at ayon sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol ang rider sa motorsiklo hanggang sa bumangga sila sa nakasalubong na bus.
Idineklara silang dead in arrival nang dalhin sa ospital at ayon pa sa mga otoridad, wala umanong suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang insidente.
Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng bus na mahaharap sa reckless imprudence resulting in homicide.
Samantala, isang lalaki dahil ang inaresto ng mga otoridad dahil umano sa panggagahasa nito sa kaniyang 14-anyos na anak na babae sa Argao, Cebu.
Sa imbestigasyon, dalawang beses umanong ginahasa ng 49-anyos na suspek ang biktima at nagsumbong umano ang bata sa kaniyang kapatid, at ang kapatid naman ang nagsabi nito sa kanilang lola.
Ang kanilang lola ang nagsumbong sa mga otoridad.
Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang sa kanya.
Nahaharap ang suspek sa dalawang kaso ng incestuous rape.