Janella Salvador happy sa love life

Lantaran nang kinumpirma ng aktres na si Janella Salvador ang kanilang relasyon ng kapwa aktres na si Klea Pineda.
Sa kauna-unahang pagkakataon, direktang ipinakilala ni Salvador si Pineda bilang kaniyang kasintahan sa isang panayam sa ABS-CBN kasabay ng paglulunsad sa kaniya bilang 2027 Calendar Girl.
“Yeah, that’s my girlfriend,” sabi ni Salvador nang ipakilala si Pineda, na dumalo sa nasabing pagtitipon upang magbigay ng suporta.
“I’m happy. Everyone knows that. Happy na ’yun. And like I said, wala na akong tinatago. So this is me. Take it or leave it,” dagdag niya. “I feel like malaking factor kapag natanggap mo talaga ’yung sarili mo. It will just show. Kapag masaya ka talaga sa buhay mo, makikita ’yon.”
Inamin din ni Salvador na hindi niya inasahang dadalo si Pineda sa kaniyang paglulunsad. “Grabe ‘yung support niya. Hindi ko nga in-expect na mag-show up siya tonight. I told her na, ‘You don’t have to be here,’ but she’s still here. So I’m really happy that she showed up,” aniya.
Ibinahagi rin ng aktres ang kaniyang pinagdaanan patungo sa pagtanggap sa sarili, na ayon sa kaniya ay mas naging posible dahil sa paglipas ng panahon at pagkahinog ng pag-iisip.
“In my younger years, it would have been harder, but that’s exactly why growth and maturing is so important. Because I feel like right now, I’m just so at peace with who I am,” sabi ni Salvador.
“Wala na akong inhibitions. I’m not afraid to show everyone who I really am and what makes me happy, who makes me happy. I’m finally free, and I’m glad to be able to share that with everyone,” dagdag pa niya.
Para naman sa mga hindi sang-ayon sa kaniyang pagiging open, sinabi ni Salvador na hindi niya ito pinapansin. “So what? So what if there are people who don’t approve? They’re not my people.”






