CR issue, hindi kasalanan ni Primo

Ilang linggo matapos ang kontrobersiyal na CR at boxer incident nina Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0 housemates Primo Alterado at Shea Valerio, ipinaliwanag na ng evicted housemate na si Calix Esguerra sa panayam kasama si Bianca Gonzalez at iba pang PBB hosts.
Ayon kay Calix, naghaharutan umano ang mga boys sa CR nang buksan ni Nathan ang pinto ng shower area kung saan naroon si Primo.
Dahil sa ingay at pag-aakalang pinagtitripan siya ng mga kapwa housemate, sumilip si Primo upang alamin ang nangyayari, ngunit hindi nito inaasahang naroon pala si Shea habang naka-boxer shorts lamang siya.
Iginiit ni Calix na hindi sinadya ni Primo ang nangyari. Gayunman, pinayuhan umano nila itong humingi ng paumanhin kay Shea bilang pagkilala sa pagkailang na naramdaman nito.







