1.4 toneladang karne sa Balintawak kinumpiska

Mahigit 1.4-toneladang karne na hindi wasto ang pagproseso at walang kaukulang papeles ang kinumpiska ng kapulisan pagkatapos magsagawa ng operasyon sa Balintawak Public Market sa siyudad ng Quezon nitong 8 at 9 ng Oktubre 2026.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), sinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang National Meat Inspection Service (NMIS) at ang Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement (DAIE) ang naturang operasyon para protektahan ang mga mamimiling Pilipino.
Ang naturang operasyon ay sinagawa ng gabi ng 8 Oktubre hanggang sa umaga ng 9 Oktubre, na nagresulta sa pagkaka-kumpsika ng mga karne na may kabuoang halaga ng P353,000. Ang mga karneng ito ay hindi wasto ang pagkakaproseso, o binili sa mga establisyamentong walang akreditasyon.
Ang naturang karne ay hindi sumusunod sa pamantayan na tinalaga sa Republic Act No. 10536, na nagpapalakas ng meat inspection system sa Pilipinas.
