Ate ni Kim Chiu na si Lakam nahaharap sa kasong qualified theft

UNANG nadiskubre ni Kim ang 'unusually large withdrawals' mula sa bank accounts ng HOLB Philippines, Inc. noong May at June last year.

UNANG nadiskubre ni Kim ang 'unusually large withdrawals' mula sa bank accounts ng HOLB Philippines, Inc. noong May at June last year.

Tinupad ni showbiz personality at talent manager Ogie Diaz ang kanyang pangako sa panganay na anak na si Erin Diaz…

Nanawagan si Senador Loren Legarda ng mas matibay na proteksyon at suporta para sa kultura at pagkamalikhain ng mga…

Nasa red alert ang Visayas at Mindanao Grid dahil sa mga power outage na dulot ng pagkapalya ng ilang planta sa ilalim…

Nais ipasiyasat ni Rodriguez (Montalban), Rizal Mayor Ronnie Evangelista ang mga flood control project sa kanyang…

Patuloy ang pamamayagpag ni Filipina tennis star Alex Eala matapos durugin si Mary Stoiana, 6-1, 6-2, sa unang round ng…
Nahaharap ang nakatatandang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu sa 124 counts of qualified theft kaugnay ng umano’y pakikialam niya sa P44.396 million na corporate funds ng company nilang House of Little Bunny Philippines,
Ito ay matapos ang pagsusuri ng Office of the City Prosecutor of Quezon City sa mga salaysay at ebidensiyang isinumite ng kampo ni Kim.
Sa isang 21-page resolution ng piskal, naghain ang korte ng criminal Information laban kay Lakam noong Hulyo 15, 2026. Nakadetalye sa resolution ang mga pinagsamang salaysay nina Kim, Lakam at Helena Tayag, ang personal accountant ni Kim.
Ang pinag-ugatan ng kaso ay may kinalaman sa House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB), isang fashion brand ng handbags na itinayo ni Kim katulong ang kanyamg Ate Lakam. Si Kim ang president at si Lakam ang itinalagang "treasurer and general manager."
Unang nadiskubre ni Kim ang "unusually large withdrawals" mula sa bank accounts ng HOLB Philippines, Inc. noong May at June last year nang mapansin niyang umabot ng sa P1.8 million ang "online transfers" mula June 10-16, 2025.
When confronted, humingi ng tawad si Lakam sabay pangako na ibabalik ang pera.
Naulit ang pangyayari noong July 2025, nang matuklasan ni Kim na mula sa P9 million na balanse sa kanilang checking account ay naging P4,022.19 na lamang ito. Aminado si Lakam na kumuha siya ng pondo mula sa joint bank accounts ng kanilang company pero naibalik niya ang P2 million. Pero kulang pa iyon dahil may mga pondong nawawala pa sa kanilang bank accounts.
Sa kanilang pagkikita ay inamin ni Lakam na napunta ang "unauthorized withdrawals and transfers" sa kaniyang paglalaro sa "casino" at pagbabayad ng "personal debts."
"The evidence on record establishes that respondent Lakambini unlawfully took and appropriated corporate funds in aggregate amount of P44,396,331.65, fully aware that the same did not belong to her," nakasaad bilang bahagi ng 21-page resolution ng piskal.
"By exploiting the access and authority entrusted to her, respondent Lakambini was able to divert corporate funds for her personal gain, without the use of violence, intimidation, or force upon things," dagdag pa ng resolution.