EJ Obiena kumubra ulit ng ginto sa Germany



Ernest John Obiena settled for sixth place in the Lausanne leg of the Diamond League after clearing 5.81 meters at the…
Filipino vaulter soars anew, posts record-breaking feat

Ernest John Obiena clinched back-to-back gold medals after winning the Stabhochsprung Meeting on Thursday in Jockgrim,…
Ernest John Obiena cleared 5.76 meters to win the Halberstadter Hohenflug — 1. Internationales Stabhochsprung-Meeting…

Happy fiesta ang mga baklang hayok, babaing kung kumilos at mag-inarte ay parang bading, bading na naging transwomen,…
Patuloy ang pamamayagpag ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena, matapos makamit ang kanyang ika-7 ginto ngayong taon, sa katatapos lang na laban sa Stabhochsprung Meeting sa Jockgrim, Germany, ika-6 ng Agosto.
Dinukot ni Obiena ang ginto, matapos ma-clear ang 5.85 metro, at talunin muli si Seifeldin Abdelsalam ng Qatar, na merong 5.83 metro, na sinundan naman ni Ersu Şaşma na may 5.77 metrong na-clear.
Ito na ang ika-4 na ginto ng 30-year old pole vaulter ngayon sa Germany, kung saan nanalo rin siya sa katatapos lang na Halberstädter Höhenflug – 1. Internationales Stabhochsprung-Meeting auf dem Domplatz sa Germany, nitong ika-1 ng Agosto.
Kaunting pahinga lamang ang matitira kay EJ, bago siya muli sumabak sa laban ngayong ika-21 ng Agosto sa Athletissima Diamond League meeting in Lausanne, Switzerland.
Magiging malaking bahagi ang pagsali ni Obiena sa mga torneyo sa Europa, para sa kanyang muling pagsali sa Asian Games.
Samantalang manantili si EJ sa Athens, Greece bilang kanyang opisyal na lugar at pasilidad para sa pag eensayo, matapos lisanin ang Formia, Italy, kasama ang Polish trainer na si Marcin Szczepanski.