
Joint teams from the Philippine Army and the Philippine National Police (PNP) arrested a wanted former leader of the…

Biñan Tatak Gel stunned San Juan, 71-64, in the nightcap to share the limelight with streaking Abra Solid North and…

Combined Army and police units arrested a wanted former member of the Communist Terrorist Group (CTG) and alleged…

This is in view of the Department of Education’s commitment to ensuring safe, secure, and resilient learning…

The Department of Education has ordered all public and private elementary and secondary schools nationwide to conduct a…
Arestado ang isang 56-anyos na public school principal kaugnay ng pagpatay sa isang 36-anyos na gurong pitong buwang buntis sa bayan ng Tayum, Abra.
Ayon sa pulisya, inaresto ang suspek habang nasa kanyang opisina sa isang pampublikong paaralan sa bayan ng Lagangilang.
Positibong kinilala ng isang testigo ang suspek bilang gunman na bumaril at pumatay kay Maria Elaine Valencia noong 8 Mayo.
Batay sa salaysay ng testigo, sakay ang suspek ng isang motorsiklong minamaneho ng isa pang lalaki nang isagawa ang pamamaril.
Sa imbestigasyon, napag-alaman na nadiskubre umano ng biktima ang pakikipagrelasyon ng suspek sa kanyang anak na nagsimula umano noong 12 taong gulang pa lamang ito.
Hinala ng mga awtoridad, pinatay ang biktima upang patahimikin siya at mapigilan ang umano'y plano nitong magsampa ng kaso laban sa naturang school principal.