

Showbiz commentator na si Ogie Diaz, naglapag ng blind item na kinikilala bilang isang "fashion actress at ang kaniyang ina" sa kaniyang showbiz vlog, na kalaunang binunyag na si Heart Evangelista at ang kaniyang inang si Cecilia Ongpauco.
Ibinahagi ni Diaz sa kaniyang mga tagasubaybay na ang mag-ina ay nakaranas ng tangkang pagnanakaw sa Paris. “Last month, nilooban at pinasukan ang kanyang tinitirhang apartment sa Paris. Hindi yata naisara lahat or na-lock lahat ng door para completely masara ang pinto. So napasok sila. Eh, kasama niya nanay niya [noong time na ‘yun]. Napasok [sila] sa kwarto. Naloka si fashionistang actress," he added.
Paliwanag ni Diaz na sa gitna ng nangyayaring pagnanakaw, nanatiling kalmado si Evangelista. Umalis ang magnanakaw na may dalang isang bag na naglalaman ng mamahaling alahas at iba pang mamahaling porselas.
“Buti na lang, nag-alarm ‘yung buong bahay. Sa taranta ng akyat-bahay, nabibit ang bag na may precious semi-stone. ‘Yun lang dala. May mga fancy accessories. Buti ‘yun lang daw [ang] nakuha," dagdag nito.
Hindi malinaw kung ipinaalam ng kampo ni Evangelista sa awtoridad sa France ang nangyaring insidente.