Raymond Gutierrez, linis-linisan daw!


Todo kalkal ang netizens ngayon ng baho ni Raymond Gutierrez matapos tila patutsadahan si Heart Evangelista sa kaniyang mga nakaraang Instagram story.
Partikular na tumatak sa ilan ang story ni Mond na nagsasabing "what a joy to have REAL friends" na may hashtag na #CleanMoneyGirls.
Putak ng ilan, talaga nga bang malinis ang circle niya?
Kinalkal tuloy ng netizens ang past ng isa niyang kaibigan na si Liz Uy na dating napabalitang "mistress" at "homewrecker" ng businessman na si Raymond Racaza.
Lumutang din ang 1994 Metro Manila Film Festival controversy kung saan idineklara bilang Best Actress ang kapatid ni Mond na si Ruffa, imbes na si Aiko Melendez na siyang totoong nanalo ng award.
Say ng netizens, "eh hindi ba corruption din yun?"
Kalaunan ay napatunayang guilty o dinaya talaga ang patimpalak at napatawan ng parusa si Lolit Solis, na noong manager ni Ruffa, habang ibinasura ang reklamo sa Gutierrez family dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Pinapak din ng madla si Mond na linis-linisan umano dahil sa kontrobersiya nito noong pandemya.
Nagpa-birthday dinner kasi ang Agenda anchor sa isang restaurant sa Bonifacio Global City sa kasagsagan nang pandaigdigang krisis kung saan packed ito ng kaniyang kaibigan, pamilya, at ilang celebrity.
Ipinasara rin ng awtoridad ang establisimyento dahil sa paglabag sa health protocols, na siyang umani ng samu't saring reaksiyon dahil ipinahamak daw ni Mond ang hanapbuhay ng mga manggagawa doon.
Gayundin, kinukwestiyon din ng iba ang "direct" at "indirect connection" ni Mond sa ilang political clans dahil madalas daw ikasal ang mga kaanak nito sa politiko habang ang ina naman nitong si Anabelle Rama ay apo ng dating senador na si Vicente Rama.
Nagtangka rin si Annabelle na pumasok sa Kongreso noong 2013 elcetions ngunit nabigong manalo.