German national arestado matapos magpuslit ng droga sa Bibliya


Buddies, associates? One happy family?
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mahigit P55 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa loob ng mga pahina ng Bibliya at sa lining ng isang bagahe ng isang German national sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon sa ulat ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, nadiskubre ang ilegal na droga nang mapansin ng isang x-ray inspection project operator ang kahina-hinalang imahe habang isinasagawa ang routine baggage screening.
Dahil dito, isinailalim sa masusing pisikal na pagsusuri ang naturang bagahe. Sa inspeksyon, tumambad ang mahigit walong kilo ng puting crystalline substance na nakasilid sa lining ng maleta at sa dalawang Bibliyang inukitan sa loob (hollowed out) na binalot ng plastik at duct tape.
Binigyang-diin ni Nepomuceno na ang pagkakasabat sa panibagong kontrabando ay patunay ng pinaigting na pagbabantay ng Bureau of Customs laban sa iligal na pagpupuslit ng mga produkto at ilegal na droga papasok ng bansa.