SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

PhilHealth, hinainan ng reklamo ng koalisyon sa Ombudsman

ANG panukalang pondo ng PhilHealth ay nagmumula sa Sin Tax Reform Act, na naglalaan ng kita mula sa buwis sa alak at tabako upang suportahan at palakasin ang sistemang pangkalusugan ng bansa.
ANG panukalang pondo ng PhilHealth ay nagmumula sa Sin Tax Reform Act, na naglalaan ng kita mula sa buwis sa alak at tabako upang suportahan at palakasin ang sistemang pangkalusugan ng bansa.Larawan ng GMA News.
Published on

Naghain ng reklamo ang Save the Philippines Coalition sa Office of the Ombudsman laban kina Executive Secretary Ralph Recto at dating PhilHealth president Emmanuel Ledesma.

Ayon sa grupo, labag umano sa batas ang paglilipat ng P60 bilyon mula sa pondo ng PhilHealth patungo sa national treasury dahil ang naturang pondo ay nakalaan para sa benepisyo ng mga miyembro nito. Babala ng koalisyon, maaari itong magdulot ng pagkaantala sa bayad sa mga ospital at health provider, na matagal nang nagrereklamo sa mabagal na reimbursement.

Noong nakaraang taon, ilang dating opisyal ng gobyerno ang nagsampa rin ng kaso kaugnay ng paglilipat ng halos P89.9 bilyong tinatawag na “excess funds” ng PhilHealth. Nakatakdang magsagawa ang Korte Suprema ng oral arguments sa Pebrero 2025 upang talakayin ang legalidad ng naturang mga paglilipat ng pondo.

Giit naman ng pamahalaan, ang hakbang ay bahagi ng kanilang fiscal management strategy upang mapalakas ang kaban ng bayan. Gayunman, ayon sa koalisyon, nagdudulot ito ng krisis sa tiwala ng publiko sa pamamahala ng social health insurance system ng bansa.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph