
NAGPASALAMAT si Jhong Hilario sa lahat ng nag-share ng post niya sa Facebook ng nawawalang si Coco.
Nakita na ng “It's Showtime” host na si Jhong Hilario ang nawawala niyang aso na si Coco.
"After more than a week of searching, nakauwi na si Coco! And it only took less than 14 hours after we posted on social media!" say ni Jhong sa kanyang Facebook account
"Maraming salamat sa lahat ng nag-share ng post. You are part of this. Ito ang power ng community.
"Ito ang power ng social media done right. Isang simpleng post, share, o comment can really go a long way and today, it brought our Coco back home.
"Maraming salamat sa lahat ng nagpakita ng kabutihan kay Coco at sa mga nagpakain sa kanya sa loob ng isang linggo na wala siya sa amin. Malaking bagay po ang malasakit ninyo. At sa lahat ng tumulong sa amin nitong nakaraang linggo na suyurin gabi-gabi ang buong barangay para hanapin si Coco, maraming maraming salamat.
"At higit sa lahat, maraming salamat kay Ma’am Karen, ang angel namin na nakakita kay Coco, pinicturan siya at agad kaming minessage. Dahil sa’yo, nakauwi si Coco.
"Welcome home, Coco!" dagdag pa niya
Matatandaang nag-post si Jhong sa pagkawala ng kanyang asong si Coco sa kanyang Facebook account.
"Our dog “Coco” is missing.
Last seen in Gen. Luna St., Barangay Bangkal, Makati
"Coco is a light brown dog with white markings. He’s very friendly and responds to his name. He was last seen on May 13, 2025
"If you’ve seen him or have any information, please message me or comment down below," say niya.