Skip to content
DYARYO TIRADA

Alex Eala WTA Most Improved Player award nominee

ALEX Eala

ALEX Eala

Kuha mula sa IG ni Alex Eala

Text size

Nagbunga ng panibagong malaking pagkilala ang breakthrough season ni Alex Eala matapos mapasama sa limang nominado para sa Women’s Tennis Association (WTA) Most Improved Player of the Year award.

Inanunsyo ng WTA ang mga nominado para sa 2026 Player Awards, kung saan nakasama ang 21-anyos na si Eala kasama sina Marta Kostyuk ng Ukraine, Iva Jovic ng Estados Unidos, Diana Shnaider ng Russia at Sorana Cirstea ng Romania sa naturang kategorya.

Patunay ang nominasyon sa malaking pag-angat ni Eala ngayong season, kung saan isa na siya sa mga kinikilalang manlalaro sa women’s professional circuit.

Also read ‘Plastikan’ pambansang sport ng pulitiko — VP Sara

Mula sa No. 50 sa world rankings sa pagsisimula ng season, umakyat si Eala sa pinakamataas niyang puwesto sa career na No. 15, matapos umangat ng 35 puwesto at makapasok sa top 20 sa unang pagkakataon.

Pinakamalaking tagumpay niya ang pagkuha sa kauna-unahan niyang WTA Tour singles title sa Washington Open noong Agosto.

Tinalo ni Eala ang four-time Grand Slam champion na si Naomi Osaka sa semifinals bago ginulat ang world No. 3 na si Jessica Pegula sa finals. Dahil dito, siya ang naging kauna-unahang Filipina na nagkampeon sa WTA Tour-level singles event.

Nasungkit din niya ang WTA 125 title sa Birmingham noong Hunyo, na nagdagdag ng panibagong tropeo sa isang season na tampok ang tuloy-tuloy niyang magagandang performance kontra sa ilan sa pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo.

Sa Wimbledon, gumawa rin ng kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Filipina na mabigyan ng seeding sa singles event ng grass-court Grand Slam. Umabot siya sa fourth round, tampok ang kahanga-hangang panalo kontra sa defending champion na si Iga Swiatek sa third round.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.