Skip to content
DYARYO TIRADA

Winter Olympian Martinez, target makabalik sa SEA Games

Winter Olympian Martinez, target makabalik sa SEA Games
Text size

Puntirya ng two-time Winter Olympian na si Michael Martinez ang makabalik sa susunod na Southeast Asian (SEA) Games sa Malaysia sa susunod na taon habang unti-unti siyang bumabalik sa kompetisyon sa figure skating matapos ang ilang taong pamamahinga sa ice.

Sinabi ng 30-anyos na si Martinez na target niyang sumabak sa Thailand Open at Asian Trophy bilang mga susunod niyang kompetisyon, kasama rin sa kanyang mga layunin ang makabalik sa SEA Games.

“Hopefully. That's my goal,” saad ni Martinez.

Also read Olympian Martinez plotting SEAG return

“I just wanted to know if I could still do it and if I could still accomplish more at this age. I don't want the day to come when I regret not trying.”

Bago sumabak sa Philippine National Figure Skating Championships noong nakaraang linggo, huling naglaro si Martinez sa 2021 Challenger Series Cup of Austria.

Limang linggo lamang ang naging paghahanda niya para sa national championships, na itinuturing niyang panimulang hakbang sa kanyang pagbabalik at paghahanda para sa mas malalaking kompetisyon sa susunod na season.

“It's definitely a great feeling. I've had only five weeks of preparation for the national championships, so hopefully, this will build my foundation for the next competitions,” saad ni Martinez matapos pumangatlo sa senior men's division ng national championships.

Gayunman, kinailangan niyang baguhin ang paraan ng kanyang ensayo sa pagbabalik sa kompetisyon. Mas binibigyang-pansin na niya ngayon ang pagpapahinga at maayos na paggamit ng oras habang binabalanse ang iba pa niyang responsibilidad sa labas ng sports.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.