Skip to content
DYARYO TIRADA

Agarang pagpasa ng Zero System Loss Act inaasam

Agarang pagpasa ng Zero System Loss Act inaasam
Text size

Nanawagan si Congressman Chel Diokno sa Kamara de Representantes na agarang ipasa ang panukalang Zero System Loss Act na naglalayong maibsan ang pasanin ng mga konsyumer sa mataas na singil sa kuryente.

Sa ilalim ng panukalang batas, hindi na dapat ipasa sa mga konsyumer ang gastos na dulot ng system loss o mga nawawalang kuryente sa proseso ng distribusyon.

Ayon kay Diokno, hindi makatarungang pasan ng mga konsyumer ang bayarin para sa kuryenteng hindi naman nila nagamit.

Also read Huling hirit ng AFAD gun show ngayong 2026, aarangkada

Ginawa ng kongresista ang pahayag kasunod ng 51 porsiyentong pagtaas sa average electricity spot price sa Luzon, na umabot sa P7.83 kada kilowatt-hour noong Oktubre.

Bukod dito, hiniling din ni Diokno ang agarang pagtanggal sa 12 porsiyentong value-added tax (VAT) na ipinapataw sa system loss charges upang higit na mapagaan ang gastusin ng mga konsyumer.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.