Pulis pinigil ang paihi sa Pampanga, P879k na gamit nakumpiska

Napahinto ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang paihi sa isang gasolinahan sa Ninoy Aquino Road, Barangay San Roque sa may Bayan ng Magalang, Pampanga nitong 9 Oktubre 2026.
Ayon sa PRO3, ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng apat na suspek at sa pagkakakumpiska ng P879,000 halaga ng mga produktong petrolyo.
Ang operasyon ay sinagawa ng tauhan ng Regional Special Operations Group of the Regional Intelligence Division 3 (RSOG-RID3), na may koordinasyon sa Magalang Municipal Police Station, Pampanga Police Provincial Office.
Ang apat na suspek na nahuli ay tatlong pump attendant at kahero na diumano at nagbebenta ng produktong petrolyo ng walang kaukulang dokumento at otorisasyon sa Department of Energy (DOE).
Nakilala rin ng mga pulis ang may-ari ng establisimyento na isang ring pakay sa isang imbestigasyon.
Nakumpiska mula sa operasyon ang dalawang fuel dispenser na may lamang 10,000 litro ng produktong petrolyo, mga sales invoice, P1,000 marked money, at P25,507 na pinagbentahan.
Ang apat na suspek ay dinala sa pulis para sa dokumentasyon at pagsampa ng kaso.
