Alex Gonzaga nanganak na


Nagsilang na ang aktres at content creator na si Alex Gonzaga.
Isa nang ganap na mommy si Alex matapos niyang isilang ang isang healthy baby boy na unang anak nila ng kanyang asawang si Mikee Morada.
Ang madir ni Alex na si Mommy Pinty ang nagkumpirma na nanganak na si Alex. Sa isang text message sa isang online writer niya ipinadaan ang confirmation.
Matatandaan na noong Martes, 25 Agosto ay nag-post si Alex ng maternity photos niya kalakip ang nakakaintrigang caption: “I’ll miss carrying you inside my tummy, my baby. It was like having our own little world. (cry emoji and white heart). Thank You Jesus!”
Bukod sa pagkumpirmang nagsilang si Alex ng baby boy, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Mommy Pinty katulad ng saan nanganak, ano ang petsa ng kapanganakan at kung anu-ano pa.
Simula nang ikasal si Alex kay Lipa City Vice Mayor Mikee Morada noong November 2020 ay tatlong beses na nagkaroon ng miscarriage ang younger sister ni Toni Gonzaga.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…