
The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has started a major drainage improvement project along Marcos…

Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Nicolas Torre III shared his personal connection to…

For Metropolitan Manila Development Authority General Manager Nicolas “Nick” Torre III, facing hundreds of vendors and…

The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has renewed its warning against a phishing scam that sends…

The continuous expansion of urban areas in Metro Manila is among the factors contributing to major flooding in the…
Ito ang saad ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager, Nicolas Torre III, matapos tumambad ang mala-dagat na basura sa Redemptorist Water Channel sa Baclaran, Paranaque City, Martes, ika-11 ng Agosto.
Kasama sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ininspeksyon nila ang isinasagawang paglilinis ng nasabing ilog sa pangunguna ng mga MMDA personnel at mga kawani ng Parañaque City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Tumambad ang mistulang dagat ng basura sa Redemptorist Water Channel sa Baclaran, matapos anurin mula sa Manila Bay, dala ng isang linggong pananalasa ng Habagat sa buong Luzon.
Saad ni Torre, basura umano ang pangunahing dahilan ng malalang pagbaha sa buong ka-maynilaan. Aniya, lilinisin nila ang basurang naka ipon sa ilog, ngunit kinakailangan din nila ang tulong ng publiko upang mapanatili ang kalinisan at maiwasan ang malalang pagbaha sa lugar.
“Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit bumabaha. Lilinisin natin ito. Aalisin natin ang basura. Gagawin ng gobyerno ang trabaho nito,” ani Torre.
Iginiit niyang hindi ito masosolusyunan ng gobyerno ng mag isa lamang, kinakailangan umano na baguhin ang disiplina sa pagtatapon ng basura, upang mapanatili ang kaayusan, at maiwasang maulit muli ang palutang-lutang na basura.
“Pero pagkatapos natin linisin, paano natin sisiguraduhin na hindi ito babalik sa ganito?” saad niya.
“Hindi ito kayang solusyunan ng MMDA o gobyerno lang. Kailangan natin baguhin pati ang disipilina sa basura," dagdag ni Torre.