Skip to content
DYARYO TIRADA

Finland, may pa-libreng biyahe sa singles na naghahanap ng forever

Finland, may pa-libreng biyahe sa singles na naghahanap ng forever
Text size

Naglunsad ang Visit Finland ng isang all-expenses-paid trip para sa 16 na single mula sa iba't ibang panig ng mundo na naghahanap ng pag-ibig.

Sa ilalim ng kampanyang "Finnish Dinner Date," layunin ng tourism board na pagsamahin ang pagpapakilala sa kultura ng bansa at ang kakaibang dating experience para sa mga mapipiling kalahok.

Makatatanggap ang mga swerteng indibidwal ng libreng biyahe para sa mga outdoor adventure at matitikman ang tradisyunal na pagkaing Finnish tulad ng wild fish, foraged mushrooms, at sariwang berries.

“Finnish food is a direct expression of our famously happy way of life: a way of connecting to place, to season, and to the people around you,” ani Heli Jimenez, senior director ng International Marketing sa Business Finland.

Hahatiin sa dalawang grupo ang mga kalahok na tutulungo sa Helsinki o kaya ay sa Tampere sa darating na Pebrero 9 hanggang 19. Bago lumipad pauwi, magtatapos ang tour sa isang blind dinner date kasama ang mga lokal na Finnish.

Kilala ang Finland bilang isa sa mga pinakamasayang bansa sa buong mundo at pumapangalawa rin sa may pinakamababang korapsyon.

Magtatapos ang aplikasyon para sa libreng biyahe sa Nobyembre 10.