Diyalogo hindi tigil pasada — Malacañang



Pinangunahan ng National Book Development Board (NBDB), sa pakikipagtulungan ng Department of Budget and Management…

Nagsimula nang maramdaman ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng leptospirosis kasunod ng…

Patuloy na mino-monitor ang kalagayan ng isang pulis matapos rumesponde sa isang lalaking nag-amok at armado ng itak sa…

Opisyal nang kinilala ang Pilipinas bilang number one retirement destination sa buong mundo para sa taong 2026, ayon sa…

Todo kalkal ang netizens ngayon ng baho ni Raymond Gutierrez matapos tila patutsadahan si Heart Evangelista sa kaniyang…
Nanawagan ang Palasyo sa mga transport group tulad ng Piston at Manibela na makipag-usap sa awtoridad kaysa mag-tigil pasada bilang protesta sa kanilang mga daing.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi nakatutulong, bagkus lalong nagpapahirap sa kapwa tsuper at komyuter ang tigil pasada bilang paraan ng pagpapahayag ng damdamin ng mga grupo.
"Kung magkakaroon ng transport rally, hindi po kasi ito [tigil pasada] ang tugon. Hindi ito ang sagot sa mga ganitong klaseng issue dahil mas mahihirapan lang din po ang ating mga commuters sa gagawin ganitong klaseng aksyon," aniya.
Giit ng tagapagsalita, naririnig naman daw ng pamahalaan ang daing nila kaya mas maganda na magkaroon na lamang ng tahimik at maayos na diyalogo.
"Muli, ang nais ng gobyerno, ang nais ng pamahalaan ay pag-uusap. Negosasyon. Makita kung ano ang daing [nila]," ani Castro.
"[Pero] hindi po natin pinipigilan ang sinumang nais na magkaroon ng pagpaprotesta. But still, hindi po siya makakatulong sa ating ekonomiya," dagdag niya.
Samantala, nakatakdang magkasa ng tigil protesta ang Manibela sa ika-10 hanggang ika-12 ng Agosto bilang pagkastigo sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at para manawagan ng dagdag pasahe.