Pamilya ni Rene Baterbonia, nakatanggap ng P2.66M na condo mula sa NHA



The incident also remains subject to a separate investigation to determine whether police procedures were followed…

ILOILO CITY — The Municipality of Carles in Iloilo will temporarily close Tangke “Saltwater” Lagoon in Gigantes Sur to…

A 7-hectare farm in Polanco, Zamboanga del Norte, has adopted a circular economy approach by converting animal waste…

Two men were arrested in separate buy-bust operations in Agoo, La Union, and Magsingal, Ilocos Sur, early Friday, with…

A gathering of cherished Marian images is giving devotees another meaningful way to celebrate the Diamond Jubilee of…
Nakatanggap ng condominium unit na nagkakahalaga ng P2.266 milyon mula sa National Housing Authority (NHA) ang pamilya ng yumaong manlalaro ng men's basketball team ng Ateneo de Manila University na si Rene Clert "Bobet" Baterbonia sa Talacogon, Agusan del Sur.
Inanunsyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur ang nasabing tulong at ibinahagi ang mga larawan ng kanyang mga magulang na sina Rene Sr. at Rovelyn habang nilalagdaan ang mga dokumento sa tulong ng mga kinatawan ng NHA.
Si Rene Sr. ay isang tricycle driver, habang si Rovelyn naman ay nagtitinda ng isda sa palengke upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Nagbahagi rin ang pamahalaang panlalawigan ng larawan ng kasalukuyang tahanan ng pamilyang Baterbonia, na ilang beses nang binaha sa nakalipas na mga taon.