Bilang ng nasawi sa bagyong Tino, umabot na sa 188



Dengue cases in Cebu province reached 2,324 from January to August 2026, including 17 recorded deaths, health officials…
Funny, but Malacañang obviously heard of the project, and it is being rebranded in press statements as a ‘national…

CAGAYAN DE ORO CITY —The Department of Agriculture Regional Office 10 has intensified climate coordination and…

Despite receiving the letters, almost all missed the deadline.

Mindanao is being positioned as a key driver of the Philippines’ next phase of economic growth, with the government…
Umakyat na sa 188 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Tino, ayon kay deputy spokesperson Diego Mariano ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Biyernes ng umaga.
Dagdag pa niya, nakapagtala rin sila ng 135 nawawala at 96 sugatan.
Ang mga bilang ay batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Nilinaw ni Mariano na sumasailalim pa sa beripikasyon ang mga ulat ng pagkasawi kaya maaari pa itong magbago.
Ang Cebu ang pinakamatinding naapektuhan ni Tino, na nagdulot ng matinding ulan at nagresulta sa pagkasawi ng 139 katao. Ang natitirang mga nasawi ay naitala sa Negros Occidental (24), Negros Oriental (9), Agusan del Sur (6), Capiz (3), Southern Leyte (2), at tig-iisa sa Antique, Iloilo, Guimaras, Bohol, at Leyte.
Sa 135 na naiulat na nawawala, karamihan ay mula rin sa Cebu province (79), sinundan ng Negros Occidental (39) at Negros Oriental (17).
Dagdag pa ni Mariano, karamihan sa 96 sugatan ay mula sa Cebu (84), kasunod ang Negros Occidental (7), tig-dalawa sa Surigao del Norte at Leyte, at isa naman sa Surigao del Sur.
Batay sa situation report ng NDRRMC, umabot sa 2,258,782 katao ang naapektuhan ni Tino. Sa bilang na ito, 397,634 pa ang nananatili sa mga evacuation center.
Sa ngayon, nakapagtala rin ang disaster management council ng P10.6 milyon na pinsala sa agrikultura at P6.3 milyon naman sa imprastraktura.
Kabuuang 9,585 bahay sa buong bansa ang napinsala (9,321 bahagyang nasira at 264 tuluyang nasira).
Bago tuluyang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Huwebes, si Tino ay walong beses nag-landfall at nagdulot ng matinding pinsala sa maraming bahagi ng Visayas at Mindanao.