
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para kay Usman Abela, isang deck cadet ng MV Blessed Sea Journey, na naiulat na tumalon sa dagat nitong Sabado bandang 10:40 ng gabi.
Naganap ang insidente sa karagatang sakop ng Lagari Point, Naujan, Oriental Mindoro.
Si Abela ay may taas na 5'6" at may katamtamang pangangatawan. Ang barkong kanyang sinasakyan ay patungong Coron, Palawan mula Maynila nang mangyari ang insidente.
Hinihikayat ang publiko, lalo na sa mga baybaying bahagi ng Naujan at mga karatig-lugar, na agad iulat kung may makitang palatandaan o anumang impormasyon tungkol sa nawawala.
Maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod -- Coast Guard Station Oriental Mindoro: 0975-542-6908; Coast Guard Sub Station Calapan: 0977-424-1512; PDRRMO Oriental Mindoro: 0948-146-0382 / 0920-951-3690; Ms. Silvina Adier: 0946-743-1141.