
Handa na ba ang lahat na magpakasasa sa kaligayahan? Kung isang mataginting na oo ang inyong sagot, ano pa nga ba blooming, dumalo na sa "WILD WILD After Party" kung saan walong lalaking makikisig, na magaganda ang mukha, tindig at pangagatawan, at palong-palong kasi nga Oppas mula sa Land of the Morning Calm, Korea!
“Aktor” ang tawag nina Kim Donghee, Kang Chunil, Roh Jinwook, Kim Jinwoo, Lee Yunje, Lee Heejung, Jeong Hansaem, at Han Jinwook sa kanilang mga sarili. At kung pagbabasehan ang pinangiliti at pinatikim nilang “acting talent” sa pulong balitaan, naku, naku, naku, sakdal init at tunay na nakakalagnat at tiyak nakaka-wet, wet, wet ang kanilang mga pambihirang talento, huh!
Sa kauna-unahang pagkakataon, ang ispesyal na Kimchi Season na ito, ay mapapanood sa Manila. Kaya siyento porsiyento na ang mga kaganapan sa New Frontier sa Mayo 24 eh talagang may golpe de gulat, kalamnan at mga ugat na nagngangalit, pabakat ang mga alagad ni Felix Bakat at tunay na spectaculat, spectacular ang mga kaldagan at kanyuran mula sa walong Korean oppas.
Walang tapon, lahat muy delicioso ang 8 SoKor hombres. Makikinis ang balat, lean and mean ang borta bodies, at higit sa lahat, kay huhusay mang-akit kapag sila ay sumasayaw na. Ang inyong lingkod nga, nung lumapit ang isa sa kanila, na marahan pa ngang hinagod ang aking buhok at may naramdaman akong bagay na dinudunggol ni Oppa sa likuran ko, juice colored! Punta kayo sa aking X at FB accounts at inyong masisilayan ang reaksyon ko sa kaganapan. Hahahaha!
Isa, dalawa, may sasampalin ka pa ang pambihirang taglay ng mga Korean papable kaya ang kanilang pagtatanghal, dalawa rin. Isang 3 p.m., na eklusibo lamang para sa mga kababaihan, at 8 p.m. na para sa lahat na para mas bonggang-bongga ang paputukan at puksaan!
Subok na matibay, subok na matatag dapat ang mga resistensya ng mga manonood, bawal manghina, bawal mategi sa sarap kasi 75 minutes ang inihandang pagtatanghal. Ang panalong-panalo, hindi ka mauumay sa extravaganza dahil nga up close and personal, talaga namang kay gagandang lalaki ng mga Korenong aktor na kasama sa WILD WILD After Party.
Kaya sa mga gustong magpakasasa sa kaligayahan., ang presyuhan ng mga tiket para sa pagtatanghal ay: Wild – PHP 8,500; Untamed – PHP 7,500; Intense – PHP 6,500; Electrify – PHP 5,500; at Modest – PHP 4,500. Mabibili ang mga ticket sa https://www.ticketnet.com.ph/
Ang WILD WILD After Party Oppas ay may 207K IG followers, sa TikTok naman ay meron silang 521.9K followers.
Siyanga pala, ang BINGO PLUS ang isa sa mga major sponsor ng WILD WILD After Party.