Skip to content
DYARYO TIRADA

Kris Aquino humiling ng kiss sa kanyang doctor

Kris Aquino humiling ng kiss sa kanyang doctor

KRIS Aquino: So kind of him he held my hand until I was asleep.

Facebook

Text size

Ibang klase talaga itong si Kris Aquino.
Biruin mo, humiling siya ng kiss sa kanyang doctor bago siya makatulog dahil sa anesthesia.
Itsinika ni Dindo Balares, writer-friend ni Kris, ang kagagahan ng Queen of Talk nang palitan ang kanyang PortaCath noong Martes, 13 October.
Sa kanyang Facebook account ikinuwento ni Dindo ang mga pangyayari.

"Kuya Dindo habang naka-anesthesia but patulog pa lang, super nakakahiya ako, I was telling Dr. _____ to kiss me sa lips," chika ni Dindo na hindi pinangalanan ang doctor.
Naloka nga raw si Bimby sa ginawa ng kanyang ina

"Bimb said, 'Mama no, only in the cheek.'

"Then I said, let’s hold hands Doc _____. I was really nervous, Kuya Dindo. So kind of him he held my hand until I was asleep.

"He told my nurses, that’s the effect of the anesthesia.

"My nurses had to control themselves from giggling kasi ako lang daw ang patient who was asking to be kissed on the lips," kuwento pa ni Dindo.

"Bimb said, mama if on the lips please do it privately. You’re not shooting a kissing scene," dagdag pa niyang chika.