SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Good-bye KathDen, Hello KathMark?

Alwin Ignacio
Published on
Kathryn Bernardo
Kathryn BernardoLARAWAN MULA SA FACEBOOK

Usap-usap sa apat na sulok ng showbusiness na hindi na magiging pang tunay na buhay ang romansahan at relasyon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Goodbye na nga sa KathDen for real. Talagang tambalang pampelikula lamang sina Queen Kath at young master Faulkerson Jr. dahil nga may tunay na kasintahan na ito, na itatago natin sa pangalang Mark Alcala, punong bayan ng Lucena.

Ang buong pangalan niya ay Mark Don Victor Benitez Alcala, naging punong bayan sa idad na 26, humalili sa kanyang tatay na si Roderick Alcala. Siya ang pinaka-batang punong bayan na naluklok sa Lucena. Dati rin siyang Youth Ambassador of the Local Youth Development Council at katulong sa nga administratibo para sa mga serbisyong tulong ng the City Mayor’s Office.

Tapos si Alcala ng BS degree in Business Management sa De La Salle University at isa rin itong university varsity player.

Ayon sa mga katkaterang totoo, Nobiyembre pa nitong taon na ito, ay in a relationship na daw ang KathMark. Pakatandaan natin na Nobiyembre itinanghal sa mga sinehan ang “Hello, Love Again” ang pelikulang muling pinagtambalan nina Kathryn at Alden na sa kasalukuyan ay itinuturing na billion grossing Filipino movie.

Kaya, ang “sweetness” at ang “panliligaw” pala ni Alden kay Kathyn ay para lamang sa promosyon ng kanilang pelikula, huh. Pareho pala nilang ginamit ang isa’t-isa at binolo ang lahat ng mga Kathden fandom, huh!

Chika pa, may naging showbiz starlet na naging kasintahan na si young master Alcala na itatago natin sa pangalang Ashley Ortega. The WHO si Ashley Ortega? Yun na nga! Hahahaha!

Kaya pala kamakailan, pinaputok na ang balitang tigil ligawan na si Alden kay Kath kasi nga may kasintahan na pala ang dalagang minsan ay minahal ni Daniel Padilla.

Kuryente rin ang chika mula sa iprinoklama ang sarili bilang pambansang Maritess na si Xian Gaza, na nagkabalikan sina Bernardo at Padilla. Nag-usap at nagka-ayos pero hindi nagkabalikan dahil nga may bagong pinapag-ibig na si Kathryn, huh!

Ang abangers ang lahat, kailan magbibigay ng opisyal na pahayag si young master Mark Alcala patungkol sa inginungusong pagmamahala at romansa nila ni Kathryn Bernardo?

Ay kaabang-abang talaga ang susunod na kabanata at hindi kakahibang, hindi ba naman?

**

Pinasingaw sa Ekis ang chikang naging magkasintahan pala sa dilim dati sina Ryan Bang at Ysabel Ortega.

The WHO si Ysabel Ortega? Yun na! Sparkle starlet naman si Ortega na naging si Jamie sa “Voltes V” reboot sa Kapuso station na sa kasalukuyan eh kasintahan na ni Miguel Tanfelix.

Hindi pwedeng i-THE WHO si Ryan Bang dahil one of the most loved personalities ito sa “It’s Showtime”, endorser pa ito, may matagumpay na salon business, ang Morido Art at Paldo. Fine dining Korean restaurant, at ang engaged na ito kay binibining Paola Huyong.

Ayon sa Ekis chika, hindi na isapubliko ang relasyong Bang at Ortega dati kasi nga Kapamilya si Ryan at Kapuso si Ysabel. Ay ang taray! Very Romeo and Juliet ang eme, a tale of two warring houses. Hahahaha.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph