

Nakatakdang iluklok si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng gintong medalya sa Olympics, sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame dahil sa pagdadala niya sa bansa sa tugatog ng tagumpay sa palakasan.
Ang hamak na babae mula sa Zamboanga City na responsable sa pagtala ng pangalan ng Pilipinas sa gold medal table ng Olympics sa 2020 Tokyo Games pagkatapos ng halos isang siglo, ay pagkakalooban ng karangalan sa San Miguel Corporation-PSA Awards Night sa Manila Hotel sa Enero 27.
Sa Gabi ng Parangal ng pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa, makakatabi ni Diaz ang kauna-unahang Filipino Olympic double gold medalist na si Carlos Yulo habang sila ay nagsasalo sa gitna ng entablado.
Si Yulo, 24, ay pararangalan naman ng PSA bilang Athlete of the Year.
Ang 33-taong-gulang na weightlifter ay nagsimula sa maliit na barangay ng Mampang ang pinakahuling maalamat na atleta na itinaas sa Hall of Fame ng sports writing fraternity ng bansa. Huling naluklok sa PSA HOF ang tanyag na atleta sa track and field na si Lydia De Vega noong 2022.
Ang iba pang kasama sa PSA “Hall” ay sina Paeng Nepomuceno at Bong Coo, ang chess grandmaster Eugene Torre, nag hari ng bilyar na si Efren ‘Bata’ Reyes, ang pumanaw na pangulo ng FIDE na si Florencio Campomanes, at ang kilalang boksingero na si Manny Pacquiao.
Anak ng isang tricycle driver na naging magsasaka at mangingisda, nagsimula si Diaz magbuhat ng timbang sa edad na siyam sa pamamagitan ng paggamit ng makeshift barbells. Kalaunan ay sumali siya sa kanyang unang major competition noong 2002 Batang Pinoy, bago naging miyembro ng national team makalipas ang dalawang taon sa edad na 13.
Nanalo siya ng kanyang unang medalya -- isang tanso -- noong 2007 Nakhon Ratchasima Southeast Asian Games bilang isang 16-taong-gulang na dalaga, at isang taon pagkatapos, nakipagkumpitensya sa kanyang pinakaunang Olympic noong 2008 Beijing Games bilang isang wild card entry. Kuwalipikado rin siya sa 2012 London Games, ngunit sa ikalawang sunod na pagkakataon, umuwi siyang walang dala.
Sa 2016 na edisyon ng Summer Games sa Rio De Janeiro, Brazil, si Diaz, isang Air Force officer, ay sa wakas umiskor ng isang pambihirang tagumpay sa pamamagitan ng pagkapanalo ng pilak na medalya sa women’s 53 kilogram, na nagtapos sa kampanyang walang medalya ng bansa.
Isa sa apat na Filipino Olympic multi-medalists bukod kina Yulo, Nesthy Petecio at yumaong Teofilo Yldefonso, si Diaz ay nanalo rin ng gintong medalya sa World Championships, Asian Championships, Asian Games at SEA Games.