
Grabe pala ang trauma na naranasan ng bagong Vivamax starlet na si Cariz Manzano.
Sa chika niya sa friend naming si Rommel Gonzalez ay ikinuwento niya ang naging karanasan niya sa kanyang stepdad.
“Nu’ng bata po kasi ako, nakaranas ako ng sexual harassment sa stepfather ko po,” say ng dalaga.
Hindi man nagwagi ang kanyang stepdad ay nasira naman ang relasyon ng dalaga sa kanyang ina.
“So, medyo mabigat siya. So dinala ko po iyon hanggang paglaki ko,” say ng dalaga.
Dahil sa matinding trauma, hindi naging maganda ang sex life ni Cariz sa kanyang boyfriend.
“Tapos nung nakakaranas akong magkaroon ng boyfriend, every time naming ita-try na mag-sex, lagi po talagang bumabalik yung trauma sa akin,” she recalled.
Dahil dito, naging pantasya ni Cariz ang i-record ang sarili habang nagpapaligaya siya.
Problem is, nanakaw ang phone niya noong 2020 kaya kumalat ang kanyang sex video.
“So gusto kong makalaya dun sa judgment ng mga tao sa akin kasi napanood nila yung video ko, especially sa mga relatives ko na nakakita, sa mga friends ko,” say ni Cariz na bida sa Kulong ng Vivamax.