Pulis kalaboso sa sextortion




With all the blessings coming his way, Bong shared that God’s love is truly unconditional.

US Secretary of State Marco Rubio travels to the Philippines next week to meet with his Southeast Asian counterparts,…

Motorcyle taxi riders expressed optimism for the legalization of motorcycle taxis following a consultation with the…

Pag-IBIG Fund released P69.19 billion in housing loans during the first half of 2026, posting double-digit growth as…
Sa kulungan pihadong magpapasko ang isang pulis matapos maaresto ng kanyang mga kabaro sa Bulacan, Sabado ng hapon nang ireklamo ng kanyang nobya dahil sa pagkuha umano nito ng sex video nila.
Ginagamit din daw ito ng suspek para iblack mail ang kaniyang kasintahan.
Sa ulat ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group, lumapit umano sa kanila at humingi ng tulong ang biktima, at inireklamo angg nobyong si Patrolman Julius Ramos dahil sa umano'y sextortion.
Ayon kay PNP-IMEG Spokesperson PInsp. Mary Jean Cuevas, ginagamit umano ng suspek na pang-blackmail ang mga sex videos para sa kanyang mga sexual favors sa complainant.
Sa ngayon ay wala pang tugon ang inirereklamomg pulis hinggil sa sumbong ng nobya.
Kasong grave coercion at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act, Anti-Cybercrime Prevention Act, at sa Anti-Photo and Voyeurism Act.
Bukod sa criminal na charges na sinampa ng pulisya ay nagsampa din ng administratibong kaso laban sa suspek, kung saan maaari siyang sibakin sa serbisyo.