Single mom, patay sa kamay ng karelasyong pulis



The volcano remained under Alert Level 2, indicating a moderate level of unrest

It will be a busy November for Philippine chess as three international tournaments — two in Ozamiz and one in Quezon…

A teenager was found dead near a creek behind her residence at Sitio Bislong, Barangay Marayag in the town of Lupon,…

Northern Negros Electric Cooperative stakeholders have begun exploring a joint-venture arrangement similar to the…

Assistant Majority Leader and Negros Occidental 3rd District Rep. Javier Miguel Benitez has filed a bill seeking to…
Nauwi sa pagkasawi ng isang single mother ang pagtatalo nila ng kanyang lihim na karelasyong pulis sa Brgy. Matab-ang, Talisay City, Negros Occidental.
Ayon sa pulisya, nasa loob ng sasakyan ang 42-anyos na biktimang si Kristine Joy Dignadice at ang suspek na si Bacolod City Police Staff Sgt. Enrique Gonzalago Jr. nang magkaroon sila ng matinding pagtatalo.
Tinangka ng biktima na kunin ang kalibre 9mm na baril na nakalagay malapit sa handbrake ng sasakyan, ngunit nagawa itong agawin ng suspek at maiputok. Sa takot, itinapon ng suspek ang katawan ng biktima sa isang tubuhan at dinala sa ibang lokasyon ang sasakyan upang ilihis ang imbestigasyon.
Makalipas ang tatlong araw, sumuko ang suspek sa mga otoridad at inamin ang nagawang krimen.