‘Drug runner’ patay sa parokyano

September 12, 2022

Isang babaeng drug runner ang patay matapos umanong palitan ng asin ang shabu na kanya sanang idideliver sa kanyang parokyano nang pagbabarilin sita nito dahil natuklasan ang kanyang ginawa sa Cebu City, nitong Sabado.

Kinilala ang nasawing si Riza Barbosa, 19, ng Sitio Nava, Barangay Mambaling, sa ulat ni Pat. Glendale Cabañero, ng Mambaling Police Station, Sabado ng hapon nang mangyari ang krimen sa Spolarium St., Sitio Panaghiusa, Barangay Duljo-Fatima.

Nakaupo umano noon ang biktima sa nang lapitan ng suspek at saglit lamang ay bigla na lamang na pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agaran niyang pagkasawi.

Agad namang tumakas ang suspek patungong Sitio Bayotan na naglakad lamang ng tila walang nangyari palayo sa lugar.

Napagalamang naman sa kaibigan ng biktima na kakalaya pa lamang umano sa kulungan ng biktima dahil sa sugal-lupa, at ang pagdideliver na talaga umano ng shabu na pinapalitan niya ng asin, ang kanyang ikinabubuhay na siyang pinaghihinalaang nilang motibo sa pagpatay sa kanya.

Narecover naman sa crime scene ang nasa limang basyo ng bala mula sa isang .45 caliber na baril.

Sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek upang mapanagot ito sa nagawang pagpatay.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial