Skip to content
DYARYO TIRADA

Xian Gaza nag-sorry kay Alden Richards

‘Na-overwhelm ako sa hype at nagpadala sa impulse na makapag-relay ng matinding pasabog sa bayan.’

‘Na-overwhelm ako sa hype at nagpadala sa impulse na makapag-relay ng matinding pasabog sa bayan.’

Facebook

Text size

Matapos tawaging bakla at itsismis na ayaw lisanin ang condo unit na hindi naman kanya at ayaw isoli ang anim na mamahaling relo, nag-sorry ang scammer at Pambansang Marites na si Xian Gaza kay Alden Richards.
"Gusto ko lang humingi ng sorry kay Alden because I went too low for the past few weeks. Pinagdiskitahan ko yung kasarian niya. Argumentum ad hominem. Character assassination. Maling-mali," say ni Xian sa Facebook post niya.
"Dapat nag-focus lang ako doon sa issue ng condo, relo at mga pagyayabang niya sa mga bagay na hindi naman kanya. Ang nasa isip ko kasi eh kapag binanatan ko yung gender niya eh makaka-attract ako ng mas matinding clout and engagement which is my primary goal. Kinain ako ng social media," paliwanag niya, sabay sabing "na-realize ko lang yung pagkakamali ko after kong pumartee at magbisyo for the last 48 hours."
Ipinaliwanag ni Xian na "in every war, there are rules of engagement to follow. Hence, war crimes exist."
"Same same with social media feuds. May mga bagay ka na dapat iwasan upang hindi mapawalang-saysay yung buong ipinaglalaban mo," say niya.
Nag-sorry din si Xian sa road manager ni Alden na idinamay niya sa issue.

"Also, I just want to apologize doon sa road manager ni Alden. I went out of bounds. One of the rules of engagement with online drama is never involve private people. Hindi ako nag-isip ng tama. Na-overwhelm ako sa hype at nagpadala sa impulse na makapag-relay ng matinding pasabog sa bayan. Hindi ko man lang inisip yung magiging consequences sa buhay mo after this scandal. With that, I sincerely apologize. I'm wrong," say niya.
Pero pinanindigan ni Xian ang chismis niyang hindi nilisan ni Alden ang condo unit kahit pinaaalis na siya at hindi rin niya sinauli ang anim na mamahaling relo na kanyang hiniram.

"Aside from those 2 regrets, wala akong babawiin. All the tsismis and rumors that I splooked were all verified and crosschecked from multiple sources na malalaking tao sa showbiz. I never said na wala kang pera. I know na kumikita ka ng malaki. It's just that you tend to portray a life na mas malaki sa reality mo. Let's say na kumikita ka ng 40M per year, does it mean na bawal ka ng manghiram ng penthouse condo at manghiram ng relo?" say ni Xian.
"Pointing out na hindi mo yun magagawa just because malaki ang sinasahod mo is very irrational. It's more of a bias towards you dahil napakalinis ng image na pino-portray mo sa publiko. The same way kung paano mo kami nadala sa AlDub craze noon and we later found out na forda show lang pala ang lahat," dagdag pa niya.

Sa huli ay inamin ni Xian na mukha siyang pera.

"Ako, I'm here for the money. I want money. I love money. Mukha akong pera. Hanapbuhay ko 'to. If one day makahanap ako ng isang negosyo na magbibigay sa akin ng 20M per month, bakit pa ko makikisawsaw sa buhay ng mga artista?" say niya.