Skip to content
DYARYO TIRADA

Suspek sa pagpatay sa sekyu sa Cavite, timbog

Suspek sa pagpatay sa sekyu sa Cavite, timbog

Daily Tribune images.

Text size

Arestado ang 34-anyos na dating security guard na wanted sa kasong pagpatay sa kapuwa sekyu sa Cavite matapos matunton sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na si alyas “Ali,” na nahuli bandang alas-7 ng gabi sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Buan.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ng korte sa Trece Martires City noong 7 Oktubre.

Pangwalo si Ali sa listahan ng most wanted persons sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Nag-ugat ang kaso sa pagkamatay ng isang security guard na nakatalaga sa Cavite Provincial Capitol noong Agosto 2026.

Natagpuang wala nang buhay ang biktima at may tama ng bala sa likod ng ulo sa kaniyang barracks sa Barangay San Agustin, Trece Martires City.

Batay sa imbestigasyon at salaysay ng mga saksi, itinuro ang mga suspek sa krimen bilang ang nahuling suspek at isa pang security guard na katrabaho rin ng biktima.

Pinuri naman ng CIDG ang mga tauhan ng kapulisan na nakibahagi sa matagumpay na operasyon.

Your sign today

Pick your Chinese zodiac sign for a daily forecast by Master Hanz Cua.