Angel Locsin, kinuwestyon ang pagiging komunista ni Robin Padilla



Deal would not involve the payment of tolls and could be extended.

DUBAI, United Arab Emirates (AFP) — Coast guards rescued the crew of an Indian-flagged commercial ship that sank in the…

The Anti-Red Tape Authority (ARTA), together with the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) and…

The Land Transportation Office (LTO) has issued a show cause order against a motorcycle rider captured on video…
Binanatan ni Senador Robin Padilla ang media brodkaster na si Lourd De Veyra, matapos itong maglabas ng open…
Angel Locsin, inalala ang mga panahong namumundok si Robin Padilla.
Sa isang madamdaming Facebook post, ikinuwento ni Locsin ang mga pinagsamahan nila dati, lalo na ang mga panahong pinaglalaban nito ang bayan habang nasa bundok.
Kamakailan, inamin ni Robin Padilla na siya ay komunista habang inuusisa ang testimonya ni NBI-BARMM Regional Director Jeremy Lotoc sa ikalimang araw ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong kay Lotoc, napunta ang diskusyon tungkol sa background ng mga Romanov kung iginit ni Padilla na ang napakahalaga na maintindahan ang konteksto sa pag-interpret ng “Operation Romanov” na binanggit sa online press conference ni Duterte noong Nobyembre 2024.
Iginiit ni Locsin na maraming humalal kay Padilla dahil sa paninindigan nitong inihalintulad kay Andres Bonifacio. "Ikaw si Andres Bonifacio. Kaya nakakalungkot pag nakakabasa ako ng stand mo pagdating sa China. Hindi ito ang Robin Padilla na nakilala at hinangaan ko."
Binanggit din ni Locsin ang pakikipagkasundo ni Padilla sa mga red-tagger na naging biktima madalas si Locsin ng mga nakaraang taon.
Gayumpaman, umaasa si Locsin na magkakaroon ng pagbabago sa mga ito.