

Muling pinatatag ni Heart Evangelista ang kanyang katayuan bilang global fashion icon nang mapunta siya sa Top 10 Key Voices ng Lefty para sa January 2026 Paris Menswear Fashion Week.
Napasok ni Heart ang isang heavily male-dominated influencer landscape dahil nakapagtala siya ng 5.4 percent engagement rate na nakapag-generate ng $3.34 milyon na Earned Media Value (EMV).
Kasama niya sa Top 10 ang mga K-pop idol na sina Mingyu (Seventeen), The8 (Seventeen), at Hyun-jin (Stray Kids); Thai actor at singer na si Nattawat Jirochtikul (Fourth); at iba pang talents at brand ambassadors sa Asia-Pacific region.
Ang tanging ibang babae sa listahan ay ang mang-aawit na Chilean-Mexican na si Mon Laferte, na nag-perform at umatend sa Willy Chavarria show.
Sa Menswear Fashion Week Fall-Winter 2026 nitong nakaraang buwan, dumalo si Heart Evangelista sa mga high-value shows ng Amiri, Sacai, Patou, Hermes, LGN Louis Gabriel Nouchi, at Kenzo.
Ayon sa mga observers, ang malakas na media impact ni Heart — lalo na ang pagiging nag-iisang Filipino representative sa pinakabagong Lefty ranking — ay nagpapatunay na patuloy siyang nagtutulak ng makabuluhang luxury fashion value sa Asia-Pacific region.
Ang Lefty ay ang influencer marketing platform para sa mga nangungunang luxury at lifestyle brand. Tinutukoy nito ang mga tamang influencer mula sa malawak na bilang ng mga kwalipikadong online profile, gamit ang mga advanced na system para makakuha ng malalim na pag-unawa sa mga demograpiko, audience, at istatistika ng profile ng mga influencer.
Sa pamamagitan ng Lefty's Industry Reports, nagagawa ng mga brand na tumuklas ng walang kapantay na mga insight sa patuloy na umuusbong na mundo ng fashion, kagandahan, at pamumuhay.
Ang huling pagkakataong pumasok si Heart Evangelista sa Top 10 ng Lefty ay noong Hunyo 2025 Paris fashion week. Samantala, walang Pilipinong kinatawan ang pumasok sa Lefty ranking para sa Paris fashion week noong September 2025 — kung saan kapansin-pansing hindi dumalo si Heart sa anumang fashion shows sa panahong iyon.