Sunshine Garcia, may banat nga ba kay Alvin Aragon?

Screengrab from Abante interview with Alvin Aragon and Facebook post from Sunshine Garcia

Screengrab from Abante interview with Alvin Aragon and Facebook post from Sunshine Garcia

Joshua Garcia is leaving his signature romantic roles behind as he takes on a darker, action-driven character in Prime…

‘Cracks of Becoming’ embraces imperfection, growth and self-acceptance. These themes are timeless, but they feel…

Four senior women artists at Sunshine Place in Makati prove that creativity has no age limit. Through painting,…

Sunshine Silver Mining & Refining Co. (SSMR.N), which controls one of the world's largest high-grade primary silver…

Commission on Elections (Comelec) chairperson George Erwin Garcia said on Tuesday that detained Senator Jinggoy Estrada…
Usap-usapan ng netizens kung may pahaging nga ba ang SexBomb dancer na si Sunshine Garcia kay Alvin Aragon, asawa ng dating miyembro ng SexBomb na si Izzy Trazona, sa kaniyang Valentine’s post.
Sa social media, buong pagmamalaking ibinahagi ni Sunshine ang mga sweet photos ng date nila ng kaniyang asawa na si Bulacan Vice Governor Alex Castro noong 15 February.
Aniya sa caption: "My date last night. Nagkaroon din tayo ng quality time. Hindi mo nakakalimutan talagang maging sweet, girl na girl ako haha! And thank you lagi sa SUPPORT, hinahayaan mo akong mag GROW at gawin yung mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Thank you sa pag-intindi."
Umulan ng pagbati at positibong komento para sa mag-asawa, at ayon sa marami, tila isa itong patama sa naunang pahayag ng Starstruck alum na si Alvin. “Sunshine ang name pero shady si madam,” ayon pa kay Miss Earth Philippines Joy Barcoma.
Samantala, sa isang post na ibinahagi ni SexBomb Aira Bermudez-Inovero, makikita ang pagsasama-sama ng grupo at ng kanilang mga asawa sa isang dinner meeting, kung saan humataw pa sa sayawan ang mga kalalakihan. Sa komento, iniuugnay ng ilang netizens na tila hindi raw maka-relate si Alvin sa nasabing masayang tagpo.
Sa isang panayam, dinetalye ni Alvin ang diumano’y pagkakaiba nila ni Alex pagdating sa pagiging asawa.
Ani niya, "Kino-compare pa ako sa asawa ni Sunshine na Vice Governor, sa asawa ng ibang SexBomb na mabait. Mabait daw sila kasi pinayagan nila yung asawa nila magconcert. Yun ba yung basehan ng mabait na husband—payagan lang magconcert? Ang babaw naman nun. Ano ba yung suot nila? Ako, ayoko yung asawa ko na nakatowel lang sa poster."
Dagdag pa niya, "Sinasabi nila, ‘buti pa asawa ni Sunshine, Vice Governor, pinayagan silang magconcert.’ Dapat nga hindi e. Dapat nga yung asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng damit na para pagnasaan ng ibang lalaki."
Pinagtanggol naman ng maraming tagahanga ang grupo. Ayon sa mga netizens, hindi naman kasalanan ang pagiging miyembro ng SexBomb at hindi rin ito nangangahulugang kabawasan sa pagprotekta ng asawa kung payagan ang misis nilang sumayaw.