Pilipinas pangatlo sa pinakamabilis na lumalagong digital market sa Southeast Asia

ANG pagdagsa ng e-commerce at digital payments ay nag-ambag sa paglago ng digital market.
Photograph Courtesy of GCash

ANG pagdagsa ng e-commerce at digital payments ay nag-ambag sa paglago ng digital market.
Photograph Courtesy of GCash

The Philippines’ promotion to upper middle-income economy status is expected to strengthen its standing among global…

The Federation of Philippine Industries (FPI) and the Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) are urging a…

Trump was ordered to pay $2 million in damages for sexual assault and $3 million for defamatory remarks he made in…

THE RISE OF AI-ENABLED AND SMART BIKES HAS FUELED HOPES OF A REBOUND FOR THE BUSINESS.

Public utility vehicle (PUV) drivers nationwide will now receive government fuel subsidies directly through their GCash…
Isa ang Pilipinas sa tatlong pinakamabilis na lumalagong digital market sa Southeast Asia sa unang bahagi ng 2026.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), nagresulta ito sa pagdagsa ng e-commerce, paglawak ng paggamit ng digital payments, at aktibong partisipasyon ng mas bata at mas tech-savvy na populasyon.
Dahil dito, napatibay ng Pilipinas ang posisyon nito bilang isa sa mga nangungunang puwersa sa digital economy ng Southeast Asia.
Batay sa pinakabagong datos mula sa Department of Finance (DOF), pumapangalawa ang Vietnam at Malaysia, habang pumapangatlo ang Pilipinas sa pinakamabilis lumago na digital market sa rehiyon.
Ayon sa DICT, umabot sa $31 bilyon ang gross merchandise value (GMV) ng digital economy ng bansa, na may 20 percent paglago kumpara sa nakaraang taon.
Iniuugnay ang pag-angat na ito sa mas pinaigting na e-commerce sector, mabilis na pag-adopt ng mga digital platform tulad ng GCash at Maya, at patuloy na pagtaas ng digital consumption ng mga mamamayan.