Skip to content
DYARYO TIRADA

Prince William, bawal nang mag-electric scooter sa sarili niyang bahay

FOREVER home nga, bawal naman ang e-scooter na talagang kinagigiliwan ni Prince William.

FOREVER home nga, bawal naman ang e-scooter na talagang kinagigiliwan ni Prince William.

Banner para sa Dyaryo Tirada.

Text size

Mukhang hindi lahat ng prinsipe ay may royal pass sa lahat ng bagay, lalo na pagdating sa e-scooter!

Ayon sa mga ulat, pinagbawalan na si Prince William na mag-ride ng e-scooter sa loob ng Windsor Great Park, kung saan matatagpuan ang bago nilang tirahan ni Princess Kate na tinatawag nilang “forever home.”

Ang bagong bahay ng mag-asawang royal, ang Forest Lodge, ay nasa loob ng 4,800-acre estate kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng motorized transport, kasama na ang e-scooters, hoverboards, at one-wheels. Safety at traffic management daw ang dahilan.

Nakakatawa dahil kilala si Prince William bilang certified e-scooter fan. Ilang beses na siyang namataang rumaragasa sa Windsor, at minsan pa nga ay nag-e-scooter siya on camera sa Apple TV+ series na The Reluctant Traveler kasama si Eugene Levy.

Aminado pa nga noon ang future King na ginagamit niya ang e-scooter para hindi siya ma-late sa meetings kahit, ayon sa kanya, late pa rin daw siya minsan.

Pero ngayong lumipat na sila sa mas malaking bahay mula Adelaide Cottage, game over muna ang e-scooter rides sa loob ng parke. Ayon sa source, tanggap naman daw ni William ang rules kahit mukhang napilitan.

May tsismis na puwede pa raw mag-e-scooter ang mga residente malapit sa kanilang bahay, pero siguradong off-limits ang sikat na Long Walk papuntang Windsor Castle. Bawal doon kahit bisikleta, skateboard, o rollerblades.

Kaya sa ngayon, kahit prinsipe ka pa, mukhang lakad-lakad muna, Sir William.